Thursday, February 16, 2006

Hinanakit #1

Hindi ko alam kung bakit kelangan ganon, actually ito ay isa sa pinakamalaki kong hinanakit sa kanya, bakit kapag ako ang nagkamali parang iba napakalaki ng kasalanan ko, eh napakaliit lang naman nun, na siya rin naman ang dahilan kung bakit nagkaganon.

Kapag minsan iniisip ko kung healthy yung ganito sa amin, siguro para sa aming relationship, pero para sa akin feeling ko hindi, kaya nga akong naging ganito kasi laging sya ang nasusunod. hindi ko alam kung bakit kelangang ganon, wala na akong ginawang tama pero sya lahat ng ginagawa nya tama.

Kapag nagkamali ako, sasabihin nyang hindi ako nakinig sa kanya, ako tahimik lang aaminin at sasabihin na sana nga nakinig na lang ako sa kanya.

Kapag nagkamali sya, ako ang mali at sasabihin nya na sana nagsalita ako, at ako naman hihingi ng tawad kasi sana nga sinabi ko ang isang bagay na hindi ko rin alam.

Kapag may nangyayaring maganda, sa kanya lahat ng puri, siya ang gumawa at sya ang dahilan kung bakit maganda ang nangyari.

Kapag pangit ang nangyari, ako ang may kasalanan, kasi hindi ako marunong magdesisyon ng tama, hindi ako tama, ako ang walang alam ...

Alam mo bang kahit wala kang sinasabi, at alam kong wala kang kibo ... dahil wala kang sinasabi yun ang sinasabi mo sa bawat galaw, sa bawat hindi mo pagtingin, sa mga bawat pagiwas mo sa mga tingin ko, sa lahat ng mga blanko mong expression kapag may masamang nangyari, sa lahat ng mga kasalanan ko sayo, yun lahat ang sinasabi sa bawat pagtahimik mo ...

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko ito kakayanin, almost 5 months na akong ganito, walang direksyon at walang patutunguhan, blanko ang puso dahil kelangang maging blanko para hindi maramdaman ang sakit. ang sakit na dulot ng lahat ng nangyari.

Sa ngayon, masaya pa, pero hindi ko makalimutan ang lumang kasabihan ang labis na kasiyahan ay may kapalit na luha, at ngayon, pagkatapos ng 2 taon na kasiyahan ang kapalit eh ganito ... natatakot na ako, mukhang hindi na kaya ng sistema ko ang lahat ... hindi ko na kayang lumuha pa, ang hirap ang sakit ...

ang sakit .. ang sakit ... AAAAHHHHH ....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home