Thursday, March 02, 2006

Gusto kong tumakas, gustong kong tumakas muna sa lahat ng ingay, lahat ng sakit, lahat ng paghihirap na meron ako ngayon, gusot kong magkaron ng kahit konting katahimikan ... parang ang gulo gulo ng buhay ko ngayon, walang segundo ang hindi ako umiyak, hindi ako nasakatan at hindi naghihirap ...

Feeling ko ubos na ang bodily fluids ko pero hala sige, iyak pa rin, meron pa rin lumalabas ... dati ang sabi ko iiyak ko na lang lahat hanggat merong lumalabas na luha sige iyak ko lang pero bakit ganon, ang tagal na nun ah, bakit hanggang ngayon, meron pa rin ...

Paulit ulit na lang ako, wala na akong ibang ginawa sa buhay ko kundi ang maging malungkot, naasar na nga ako sa sarili ko eh, paulit ulit na lang, wala ng katapusan na pagsisi sa kanya, pagsisi sa akin, pagtanong sa diyos kung anong dapat gawin ... hindi pa ba ako nagsasawa ??? pero bakit ganon ... masakit pa rin ...

Bakit sa bawat iyak ko, ganon pa rin ang nararamdaman ko, bakit bawat iyak ko, nandun pa rin yung bagay na kumikirot sa dibdib ko, yung bagay na nakakapagpaalala sa akin na nagiisa lang ako, kahit katabi ko sya, at kahit nga nakangiti akong katabi nya, bigla na lang akong lilingon sa malayo at magpapapatak ng isang luha tapos lingon ulit na may masayang ngiti ...

In fairness mahirap yun ah ...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home