Friday, April 21, 2006

sumpong # 3

As usual the same thing ... same tears ... same pain ...

I want to let go of things but its not that easy ... my heavy heart doesn't want to let it go ... i dont know what to do to suffice the pain and how to make up with the tears ...

But i know i will get through all of these ... i will get out of this ... I know I will be back ... I know I will be on my feet again, ready to fight my battles and face the shadows that darkens the light ...

I can go on and on but i have already ran out of words to say ... I ran out of strength to mourn ... I already ran out of reason to logically get out of myself through this mess i made ...

As the song of bob marley goes ... "Everything's gonna be alright, Everythings gonna be alright" ... Ironically the title is "no woman, no cry" ...

I know I can do this ... I will be back ... I will be back ... I will be whole again ... As Jet Li said ... "In life you need to find your center" ... I need to find my center ... I need to find the center of my circle ... Im gonna be whole again ... I'm gonne be one ...

hehehe ... Kaya ko ito ... Ika nga ni Taguro ... ang totoong lakas ay higit pa sa 100 porsyentong lakas ...

Friday, April 14, 2006

sumpong na naman

Sinusumpong na naman ako, ang dami na namang mga bagay na tumatakbo sa utak ko ... eto na ba ang tamang oras para magsimulang muli ... alam ko na ba ang ginagawa ko ???

Ang daming kelangang baguhin, ang daming kelangang gawin at ang dami pang kelangan para lang maging ayos ang lahat ....

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko ... Hindi pa rin buo ang lahat pero sige, banat, kaya yan ... ang lupit talaga ng bahala na syndrome ko ... kaya nga ako lumayo dahil kelangan kong magisip sa labas ng kahon (think out of the box) ... pero wala naman kaugnayan yung sinabi ko sa sitwasyon ko ngayon ...

Masaya ako ... yata ... mukha namang nagiging at peace ako eh, kahit nasa tabi ko sya o kahit wala man sya sa tabi ko nagiging kampante ako at paminsan minsan na lang tumutulo ang mga luha ko ... mabilis ko na ring nababawi ang utak ko sa mga sandaling nababaliw ako ... nagiging makabuluhan na ang mga naririnig at nababasa ko ... pero alam kong kelangan ko pa ng konti na lang ... alam kong konti na lang ang kailangan ko ...

Buong buhay ko laging alangan ang mga desisyon ko, di ko alam kung tama na ang mga desisyon ko oh hinde kahit na maraming taon na ang nakakalipas ... pero ang galing kong maging malungkot in-fairness ...

Hindi ko naman sinasadyang maisip yun eh, lahat naman ng tao nagiisip ng kung ano ano every second at lahat iba iba ... nagkataon lang na masyadong masakit lahat ng nangyari at hindi hindi ko yun makakalimutan ...

Yan tuloy galit na naman ang utak ko ... pero iniisip ko na lang na ... well sa akin na lang yun ... basta alam kong ginagawa ko na ang lahat para ayusin ang sarili ko ... sarili ko lang ... hindi ang relationship namin dahil alam kong kelangan ko ang sarili ko pagdating ng panahon ... hindi ko na kayang mawala ulit ang sarili ko sa mga bagay bagay na walang katiyakan ... katulad ng mga pangako ng pag-ibig ...

Hindi masarap umibig ... pero masaya ...
Hindi madaling umibig ... pero kaya ...

Ang pag-ibig ko ngayon, praktikal, logical ... meron ng isip ... hindi lang puro puso ... ayoko ng isugal ulit ang puso ko ... masyado ng nasaktan ...

Wednesday, April 12, 2006

Things to Ponder

Nabasa ko ito sa email ko, natuwa ako at eto ang mga bagay na magandang tandaan para lang hindi ako umiyak. Kung titingnan mo sa ibabaw, simple lang sya pero kung titingnan mo sya ng malalim, honest, totoo at tama ang mga ito ...

<><><><>

Yung ibang tao, naiinggit.
Wala kasing nagmamahal sa kanila.
Yung iba naman, tatanga-tanga!
Minamahal na nga nang todo, binabalewala lang!

Minsan ka nang nagmahal, minsan ka nang naloko.
Minsan na nga lang, naagaw pa!
Pero di bale! Mas bagay naman sila, eh.
Isang basura, isang basurera. Perfect match, diba?

Pag nakita mo na masaya ang mahal mo sa piling ng iba,
wag kang malungkot o umiyak.
Isipin mo na lang na masaya siya
dahil mukhang clown angkasama niya.

When you love, don't give your 100%.
Leave at least 70% for yourself so if ever he'll hurt you,
you could still stand up to him and say,
"Wala na bang mas sasakit pa diyan, hello??"

Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin.
Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin.
Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo.
Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.

Simple lang para hindi ka masaktan.
Kapag minahal ka, mahalin mo din.
Kapag ginago ka, gaguhin mo rin.
Pero kapag umiyak ka, tanga ka!
Ginago ka na nga, iiyakan mo pa?

<><><><>

Tuesday, April 11, 2006

Tiwala

Nagsisimula ako ngayon ng bago ... ibibigay ko na ulit ang isang bagay na ayaw kong ibigay dahil ang sakit kapag binigay ito ...

Eto n lang siguro masasabi ko ...

kung lolokohin mo ko, wag mo na lang sabihin sa akin at wag kang papahuli, wag ka rin masyadong halata ....

paniniwalaan ko lahat ng sasabihin mo kahit na sabihin mong wala kang kasama kahit meron ...

Kung may sasabihin ka lang sa akin na hindi ko magugustuhan, wag mo na lang sabihin sa akin, sabihin mo na lang kung ayaw mo na, o kung may nahanap ka ng iba ....

Hindi ko pipiliting tanungin kung saan ka pupunta at kung sinong kasama mo, kung ayaw mong sabihin sa akin, magsinungaling ka na lang ...

Kapag may nalaman ako galing sa iba o dahil makulit ako at nagimbistiga, kung totoo tumahimik ka na lang pero kung hindi totoo, sabihin mo sa akin yung totoo ...

Ngayon, nakikita ko na yung importansya ng pagsisinungaling ... kung ganito ang gusto mo sige yun ang ibibigay ko sayo ...

Sana wag mong baligtarin na ako ang gumagawa ng mga ganito, alam kong yan ang tumatakbo sa utak mo ngayon ... at alam kong nagiisip ka na ring gumanti ...

Ayaw kong depenshan ang sarili ko pero, never kong inisip na gantihan ka, at never akong gumanti ... Kung may kausap man akong iba, o nagcoconfide sa iba, yun eh dahil mahina rin ako, di ko kayang ipunin yun lahat sa dibdib ko ... at kung nagkapalit tayo ng sitwasyon, malamang nangyari rin yun sa akin ... pero mahal kita ... mahal na mahal ...

Pinipilit ko ng magbago ... At medyo nagkakaron na ng improvement ... Kelangan ko lang pa lang magbasa ng email para lang matauhan ... now im trying to understand ... pero it still hurts i must admit ... this will never go away ... hihintayin ko na lang ang time na tatawanan ko na lang ang lahat ...

Mahal kita ... hindi magbabago yun ... kung mahal mo ko ... then wala tayong problema ... kung gusto mong maglaro ... walang problema sa akin yun, magsinungaling ka na lang sa akin ... ayoko ng masaktan ... ayoko ng umiyak ... ayoko ng umiyak ...

Tuesday, April 04, 2006

Sumpong

Sinumpong na naman ako, ewan ko ba ... I know i can never get over it at tinggap ko na yon, kahit anong pilit kong tanggapin, hindi ko na matatanggap yun, ang balak ko na lang ngayon eh pagsawaan ko na lang ang lahat, in fairness, nagsisimula na ako sa pag-iyak, nagsasawa na ako sa mga luhang tumutulo sa mga mata .

In fairness, mahirap lahat, ang hirap ng pinagdadaanan ko, kapag mag-isa ko, kahit naglalakad lang ako sa kalye nararamdaman ko ang sakit sa loob, yung tipong hindi ka makahinga, at kapag hindi mo ilalabas gamit ang galit, hindi sya mawawala, yung sakit sa dibdib na kelangan mong isigaw, tapos pagkatapos mong isigaw, bigla na lang lalabas sa mga mata ang lahat ng sakit.

Ang hirap ng merong mga tanong sa utak mo, ang hirap gawan ng sagot ang mga bagay na dapat hindi sinasagot, pero in the first place, kaya ka may tanong sa utak mo para magkaron ng sagot at alam mong deep inside, kahit na ayaw mong marinig ang sagot, gusto mo pa ring malaman ang katotohanan ... ano ba ang totoo ...

Ang sabi sa akin nung asawa ng good friend ko ... kung hindi ko kayang tanggapin ang lahat wag ko na lang ituloy dahil pagtumagal pa, wala ring magandang maidudulot ... Napagisip-isip ako ... kaso inisip ko posible bang maging galit pero mahal mo pa rin yung tao, ngayon ko lang napatunayan yun actually ...

sana matapos na ang lahat, sana happy ending, sana maging klaro sa akin ang lahat ... kaya ko kaya to ...

ROLAN WAKE UP ...